SFAC Alabang Celebrates Buwan ng Wika 2019

Minarapat ng Saint Francis of Assisi College – Alabang na ipagdiwang ang Buwan ng Agosto, alinsunod sa patakaran ng Department of Education o DepEd, noong ika-30 ng Agosto 2019. Sa araw na ito ipinamalas ng mga Franciskanong mag – aaral ang kanilang mga angking gilas, kasanayan, at kaalaman sa mga larangang kanilang nilahukan. Muli ay napanood ang kaniya – kaniyang pagtatanghal ng mga mag – aaral mula sa mga departamento ng Pre-School, Grade School, Junior High School, at Senior High School.

Ang nanalo sa paligsahan sa pagsayaw ng Folk Dance ay ang ika-anim na baitang. Ang kategoryang Retro naman ay pinangunahan ng ika-sampung baitang, at ang ika-12 na baitang mula sa STEM Strand naman ang nagwagi sa kategoryang Festival Dance.